Thursday, October 22, 2009

Pinoy Big Brother Update: First Eviction Night

The first eviction night is on Saturday. Sino ang gusto mong ma-evict? These are the four housemates who are nominated: Jimson, Jason, Princess and Carol. Among the four, I choose Carol to be evicted. I think the rest of the nominees have personalities which make the house more intriguing and interesting.

1) Jimson - natatawa ako sa kanya lalo na pag nagseselos sya sa wife n'ya. Ang kulit! Ang daming excuses pero ang bottom line lang naman, nagseselos sya lalo na kay Patrick. O kung ma-eevict man sya, sana magkasuntukan man lang sila ni Patrick. Hindi pa kaya nangyayari sa bahay ang may nagsuntukan o nagkasakitan ng pisikal na grabe. Puro emotional at psychological issues ang nangyayari eh.

2) Jason - Isa pang pasaway sa mga kasama nya lalo na sa housemates na lalaki. Minsan parang may sariling mundo at medyo aloof. Sana umabot sa sapakan ang pikunan nila ni Delio para naman may mas buhay sa bahay. Kung mawawala sya, aba e panu na lang yung loveteam nila ni Melai?! E dun ako natatawa ng husto. Tapos ngayun may ka-love triangle pa sya, si Mariel. O, e di mas may buhay na ngayun...kaya dapat wag ma-evict si pareng Jason.

3) Princess - Maangas din ito kahit babae at hindi papaisa. Medyo taklesa pero yun ang maganda dun para lagi syang may na-o-offend.

4) Carol - sya yung may mahinang personality sa apat kaya mawala man sya, ang bahay ay ganun pa din. Im sorry, Carol, pero kailangang may lumabas na isa. Good luck!

I don't know if you have the same opinion. I've already made my vote thru texting at yung first three ang binoto ko kaya text na din kayo...

0 comments:

Post a Comment