Friday, November 27, 2009

Black and white


Hindi ko maintindihan kung bakit ang araw na ito
ay puno ng pag-iisip at pag-aalala,
Ito ba ay dulot ng gabing iyong nalaman
and hindi mo dapat masilayan?
Mahirap ipaliwanag kung ano ang iyong nakita
ngunit sana naman ay wag mo ng ibalita.
Hindi ako nagkakasala sa isang bagay na maaari mong ibintang.
Hindi ako perpekto ngunit ako'y nagsisimulang mailang
Sa mga mata mong mapanudyo ako'y natutunaw
sana ang lahat sa takdang araw ay luminaw
Sana iyong maunawaan ang lahat ay hindi lang itim at puti
sana manatili ang pagkakaibigan ating minimithi.

0 comments:

Post a Comment