"Nanunuod pa kayo?!" pasigaw na parang nang-iinsulto ng isang lalaki sa aking likod. Kasama nya ang buong barkada. Ito'y sinabayan ng halakhakan.
Anu nga ba ang ginagawa ko matapos ang halos isang oras sa panunuod ng Patient X? Ang naisip ko na lang, iblo-blog ko ito so kailangan kong matapos. Either natatawa ako at napapailing sa mga bagay na napapanuod ko. Madaming mga technicalities sa pelikula ang hindi naayos. Ugali ko na lumabas ng sinehan basta hindi ko nagustuhan and I rarely see a local film. Pero bakit nga ba ako nandito? Sino ang nag-udyok sa kin na gumastos ng mahigit isang daang piso para panuorin ito? Ito po ay si Kris Aquino!
I was watching The Buzz last sunday, November 1, and on their segment, POV, Kris blurted na maganda daw ang Patient X sabi sa kanya ng isang pari.
"Para isang pari ang magsabing maganda ang pelikula it means na maganda talaga yun," she said.
Oo nga naman, di ba? And she reiterated it before the show ends and Ruffa even reminded the audience again. So yun ang dahilan why I was compelled to see the movie.
The Opening Title Sequence. I love the idea that the movie is trying to make a difference, or at least, make an effort in its opening credits. They could've have done it in a simpler way like fade in and fade out the names of the characters but they made it very artsy. Though yung motion graphics artist na gumawa e na-excite masyado sa paggamit ng 3D environment ng After Effects (o kung anuman ang ginamit nya na software). Ok na sana yung blood splatter with the names on its side. Dun pa lang halatang 3D na at hindi na n'ya kailangang ipatagilid pa yung blood splatter unlesss another image would appear e kaso wala. Parang na-excite sya masyado at pinakikita nya na 3D yung whole title sequence. He could've made it simpler by not manuevering the camera (in After Effects) side to side that much. Dito sa ginawa kong opening title sequence para sa Behind the Scene ng Ouija, mapapansin nyo na I didn't move the camera too much. I just zoomed in and out the camera. Ayaw ko yung idea na yung blood splatter e tumatagilid pa kaya nakikitang flat yung blood splatter. It's not flattering.
The movie is trying too hard na maging tipong heart-pounding and makes you hold- your- breath type na pelikula. The director failed on this. I couldn't elaborate more kasi parang wala talaga. Trying hard na maging horror movie. I patiently waited for the movie to end. Kaya pala Patient X, kasi pati moviegoers would have to be really patient! The last time I saw a local film na natakot ako e yung Sukob. Wala sa kalahati nito ang Patient X. Kaya kung hindi kayo natakot sa Sukob at gusto nyong matakot, think twice baka kasi masayang ang pera nyo na sana pinangmiryenda nyo na lang at nabusog pa kayo. But if you were Richard's friend or in a way you're related...suportahan nyo naman yung tao.
Rating: C
0 comments:
Post a Comment